Wednesday, September 21, 2011

Ngitian mo ako

Isang Minutong SMILE



Libre lang ang pag ngiti kaya huwag mo ito ipagdamot sa mga taong gustong maging bahagi ng iyong buhay.










Salamat sa mga nagpapangiting sponsors ng Smile Quotes Contest: Field of Dreams, Alohagems on Squidoo,ISP101 at From the Dungeon

Monday, September 19, 2011

Sugal at Pag-ibig

Ang sabi nila....


" Ang pag-ibig ay parang sugal. Minsan panalo minsan talo."






Nandyang may mga taong hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila.Sila ang mga taong panay ang taya, sila yung mga taong walang kaligayahan sa simpleng bagay na naghahangad pa ng mas malaki, sila yung mga taong walang pakialam kung magising man sila isang araw na talo na pala sila.



May mga tao din naman na handang itaya ang lahat para sa kaligayahan nila. Alam nila kung ano ang kaligayahan nila. Kung saan sila makukuntento at alam na nila na pwedeng isang araw matalo sila pero sige lang kasi ang kaligayahan nila yung ibigay ang lahat.


Meron din na kapag nanalo sige lang sila taya ng taya, ine enjoy yung pagkapanalo pero kapag natalo naman susuko na kaagad.


At may iba naman na may inaalagaang taya, kahit na anong mangyari. Manalo matalo yun pa rin ang bet nya kasi dun sya may tiwala. Dun sya panatag na balang araw papalarin din sila.





Kapag natuto ka mag sugal maaadik ka na. Ganon din sa pag-ibig, kapag natutunan mo ang magmahal hindi mo mamamalayan na naaadik ka na din. Kaya hawakan mo mabuti ang chips mo, huwag mo ito basta isugal at once na nanalo ka huwag mong kalimutan ang salitang "kuntento". Tandaan mo pare pareho man ang itsura ng chips, magkakaiba naman sila ng kapalaran. May ilan na matatalo at may ilan na mananalo. Huwag mong isugal ang isang bagay na ayaw mo mawala.