Sunday, February 28, 2010

Anong meron dito?

Hello Philippines! Hello world!

Welcome sa aking bagong blog! Ang Dark's Diary
Ito ang blog na kung saan pwede ka mag share ng kwentong pag ibig mo, o kaya humingi ng advice wag lang ng pera kasi wala tayo nun.

Bakit Dark's Diary?

Hindi po dahil sa ito'y diary ng mga maiitim kundi dahil Dark ang aking name sa blog na ito at diary naman kasi saan ba tayo madalas magsulat ng mga saloobin natin about sa pag-ibig? diba sa diary? Pero kung sabagay minsan ako sa likod pa ng notebook ko na ginagamit ko sa school.hehehe adik!
Naisip ko maging topic ang pag ibig kasi gusto ko e.


Mas mabilis lang yung pag iisip ko kapag usaping pag ibig na pinag uusapan.


Noong highschool ako sakin madalas magkwento ng mga saloobing pag ibig ang mga klasmeyt ko. Hindi ko nga alam kung bakit sakin sila nagkwekwento. Siguro mga nang iingit. Siguro ako lang yung tipo ng taong handang makinig sa mga kinukwento nila kahit paulit ulit na lang ang kwento nila. Ganon naman kasi talaga e. Sa una medyo fresh pa sa atin yung mga sasabihin nila tapos tayo naman magbibigay ng advice. Next na punta nila iyon ulit yung kwento nila, same lang din yung problema. Yun bang tipong gusto mo na sila iuntog kasi binigyan mo na ng advice hindi naman susundin. Pero naiintindihan ko sila ganon din kasi ako.



At ngayon gusto ko gumawa ng isang blog na tungkol sa pag ibig. At sigurado lahat tayo makaka relate dito. Kaya sana suportahan nyo ako. Iboto nyo ako! weh! kandidato? hehehe.

Salamat! At sana magtagal pa ang blog na ito! ^_^

3 comments:

  1. o db? ako ang first ever follower mo dito. ahehe. suportahan kita

    ReplyDelete
  2. WOw! salamat kikilabotz..^_^
    Maiyak naman ako..hehehe..salamat ulit..

    ReplyDelete
  3. at ako ang png apat. hehe. naksss. puro pgibig pla dto. ttmbay na ko madalas dto hehe

    ReplyDelete