Sunday, February 28, 2010

No Love Here




Isa sa pinaka masarap na mararanasan natin sa ating buhay ang magmahal at mahalin. At hindi pwedeng isa sa atin ay hindi ito maranasan. Sa ayaw mo at sa gusto mo tatamaan at tatamaan ka ng PAG-IBIG!


Una una lang yan tulad ng kasabihan nila sa kamatayan at ganon din pagdating sa pag ibig. Pwedeng sa inyong magbabarkad o magkakapatid ikaw ang unang makaramdam ng "dugudug! ( kabog ng pag ibig) at pwedeng ikaw din ang makaramdam ng "uha! uha! ( sakit ng pag-ibig).


Mauna ka man o hindi pare-pareho lang naman una nyong mararamdaman, ang maging masaya at maging malungkot.


" No Love Here"

Sabi ng mga single..

Bakit nga ba wala kayong pag ibig?

Ilan sa mga ito ang naisip kong dahilan at ito rin ay ayon sa aking pagmamasid.

1. Hindi ka biniyayaan ng mukhang White Lady! ( Dark Lady lang)
2. Bantay sarado ang magulang mo, bonus pa dyan kapag may mga siga kang kapatid.
3. Pa busy kuno, walang time sa love at inaasikaso ang pag aaral. Kailangan manguna sa klase.
4. Sobra suplado/ suplada kaya ayan ang napala walang makatagal.
5. Super chusi!!!
6. Sobra takot na magmahal.
7. Hinihintay pa si Mr./Ms. Right.


Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit may mga single pa din ngayon. Sa next post ko ipapaliwanag ang mga dahilan na yan.

Kayo ano dahilan nyo kung bakit single pa din kayo?
Yung totoong single ah,hindi yung nag sisingle singlelan lang..



P.S:

Kaya hindi ko sinama sa dahilan ang pagiging babaero/lalakero dahil ang mga taong ganon ay hindi naman madalas single kundi walang time para maging single.

1 comment:

  1. ako single haha. dahil naniniwala ako sa destiny. nkuuu. kw ms.darklady single pa u? haha

    ReplyDelete