Friday, April 2, 2010

Ano pa ang kulang?



" Lahat ginawa ko para maging masaya ka. Lahat ng inaakala kong makapagpapasaya sayo ginawa ko. Pero bakit balewala lang? Ano pa ang kulang?"



Lahat tayo naranasan na mabigo sa pag-ibig. Naranasan nyo din ba na lahat na ng bagay ginawa mo para sa kanya pero wala pala itong epekto sa kanya. At sa lahat ng ginawa mo natanong mo na lang sa sarili mo na "Ano pa ba ang kulang?"

Hindi natin maikakaila na minsan dahil sa pag-ibig nakakalimutan na natin sarili natin. Dahil sa pagmamahal mo sa kanya halos yung konting oras na lang para ipamahinga mo binibigay mo pa sa kanya. Bakit mo ginagawa yun? Kasi masaya ka..Masaya ka na akala mo masaya din sya sa ginagawa mo.

Sobrang sakit malaman at isipin na sa kabila ng lahat ng ginawa at binigay mo wala pa lang nangyari. Ikaw pa yung nagmukang tanga sa ginagawa mo. Hindi pa pala sapat lahat ng yun.

"Sobrang expectation, kawalan ng appreciation at hindi pagiging kuntento."

Yan ang mga bagay na nagiging problema sa isang relasyon.

Minsan dahil sa sobrang expectation nya sayo nawawalan na ng halaga yung mga maliliit na bagay na nagagawa mo. Hindi nya magawang i appreciate yun. Dahilan para hindi sya makuntento sa mga bagay bagay. Naghahanap pa sya ng bagay na mas higit pa.

"Sa lahat ng nagmamahal, minamahal at may minamahal magpasalamat kayo sa lahat ng ginagawa nya para sayo kasi gusto ka nya maging masaya. Oo maliit na bagay lang ginagawa nya pero nagbibigay sya ng effort."

3 comments:

  1. sobrang expectation.. yan ang pinakanakakasakit sa atin. :(

    ang hirap mgmahal, bkit ganon!


    - bitter bitteran n ulit si keso. haha.

    ReplyDelete
  2. kung naranasan mo nang masaktan ng sobra dahil sa pag-ibig, maswerte ang tao pag ganun, dapat ipagpasalamat. una, nagmahal ka ibig sabihin marunong ka palang magmahal. pangalawa, negatibo ang masaktan, positibo na may matututunan ka. sure yun, unless kung tanga lang talaga ang isang tao o matigas ang ulo. hehe

    ipagpasalamat dahil may makukuhang aral. choknat, choknat gumising ka, inaatake ka na naman ng sakit mo. lol. ang daldal ko. haha

    ReplyDelete
  3. @ KEso

    TAma tama ka sa sinabi mo!!
    Relax lang..hehehe

    @ Choknat

    Ano daw? hehehe..tama yung sinabi mo. choknat kaw ba yan?hehehe..

    ReplyDelete