Monday, March 29, 2010

Maagang Responsibilidad


Ang sarap maging bata kasi wala kang iniintinding problema. Paglalaro maghapon ang ginagawa mo at kapag dumating na ang oras ng kainan tatawagin ka na lang ng iyong magulang para kumain.

Ngunit lahat tayo ay lumilipas sa pagiging bata, darating at darating ang araw na magkakaroon tayo ng responsibilidad. Habang tumatagal nadadagdagan ang mga bagay na dapat natin intindihin.

Ngunit nakakalungkot na may ilang kabataan na maagang nagkakaroon ng responsibilidad na hindi pa sana nila dapat maranasan.

Kahapon nung ilipat ko ang channel sa wowowee napanood ko ang wheel of fortune kung saan ang mga bida ay ang mga babaeng maagang nagkaroon ng responsibilidad (maagang nagkaanak).

Karamihan sa kanila sa gulang na 15 anyos ay nabuntis na. Sa panahong yun dapat sana ay nag aaral pa sila at ineenjoy ang pagiging teenager. Ngunit nilapitan sila kaagad ng "curiousity". Sa ganoong edad nagkakaisip ang isang dalaga/ binata tungkol sa pagiging isang tunay na babae/lalake. Hindi nila napigil ang sarili nila kaya nangyari yun. At dahil na naman kay sobrang pag-ibig nagagawa nila iyon. At minsan ang pangyayaring yun ay nagkakaroon na ng bunga.

Maraming nababago sa buhay natin kapag nagkaroon na tayo ng responsibilidad. May mga bagay tayo na dapat na isaalang alang. Hindi madali ang buhay ng may-asawa/anak. Kaya dapat bago ka gumawa ng isang desisyon isipin mo muna ng makailang ulit dahil may mga bagay na kapag nagawa mo na hindi na pwedeng ibalik pa sa dati. At kung nandoon ka na sa pangyayaring may responsibilidad ka na,aba dapat mo na itong harapin. Dahil walang ibang gamot sa pagiging duwag kundi ang kumbinsihin mo ang iyong sarili upang humarap sa katotohanan.

Sino nga ba naman ako para magsalita? Hindi natin alam kung ano ang tunay na kwento sa buhay ng mga taong dumaranas sa ganoong sitwasyon ngunit isa rin akong babae na nagmamalasakit sa lahat ng tao at
gustong ipaalala na ang buhay ay puno ng tukso/saya/lungkot at sakit. At tulad ng nasabi ko na noon lahat ng bagay may tamang panahon at oras. Hindi mo kailangan madaliin ang lahat. I enjoy mo ang iyong edad na tinatamasa ngayon.

Yun lang po at Salamat!!

( Iboto nyo po ako sa darating na eleksyon!)

hehehe etchos! feeling ko hindi ako mangiti sa sinabi ko, masyadong seryoso!. At ganoon ang buhay! hindi lahat dapat paglaruan. Minsan kinakailangan mo mag seryoso. ^_^

8 comments:

  1. korek!! Kung my machine LNG gus2 q bumalik s pagkabata hehehe.. ang hirap mging mtnda dming responsibility :(

    ReplyDelete
  2. sbi nga nila, 'wag mgmadali,darating din tayo dyan'.

    ReplyDelete
  3. @ Kayedee

    Talagang sad face?hehehe ok lang yan, may kagandahan din pagiging matanda. Isa pa talagang pagdadaanan nyo yan! hehehe "nyo lang".


    @ Keso

    Korak ka dyan!! apir!! hehehe nagagaya na ako sayo ah..

    ReplyDelete
  4. tama tama lahat!

    pero eto talaga yung tumatak saisip ko at nakakuha ng atensiyon ko :
    At kung nandoon ka na sa pangyayaring may responsibilidad ka na,aba dapat mo na itong harapin. Dahil walang ibang gamot sa pagiging duwag kundi ang kumbinsihin mo ang iyong sarili upang humarap sa katotohanan.


    two thumbs up dark lady!

    ReplyDelete
  5. sa sobrang bata di pa nila alam kung paano mag-ingat, wala pa silang masyadong alam sa mga ganung bagay. may napanood ako, sa i-witness yata 'yon. 12 years old nabuntis, ayun, kasama pang naglalaro ng mga kapatid nya.

    ReplyDelete
  6. @choknat parang napanood ko din yan. Dpat kasi talaga bata palang tinuturo na ang sex education sa mga eskwelahan eh, ng para malaman nila ang functions ng katawan, at hindi biro biro ang sex. Ang problema sa kultura natin. Masyadong nahihiya halos lahat na pagusapan ang sex. E totoo naman na nangyayari yon. AYan ang dami na tuloy ng mga pinoy, masaya naman sana yon, pero kung hindi naman nabibiyan ng dekalidad na buhay ang bawat pinapanganak dito sa mundong ito, kawawa lang.

    ReplyDelete
  7. Pero ganun pa man, kahit maaga palang may responsibilidad na, naniniwala ako na ang pagkakaron ng anak ay biyaya ng diyos. Wala talagang makakapagsabi kung kailan tayo magmumultiply. :) hihihi kaya, umiwas nalang muna sa sex. Or kung hindi maiwasan, pwede naman magcondom or magpills.

    ReplyDelete
  8. @ REnz

    salamat! salamat talaga..^_^

    @ choknat

    ang bata naman nun, hindi man lang nya na enjoy ang kanyang kabataan..

    @ rah

    tama ka sa mga sinabi mo.biyaya ng Diyos ang anak kaya kung nagkamali ka man wag idamay ang bata dahil ang bata may karapatang mabuhay. Mabuhay!!! ^_^

    ReplyDelete