Tuesday, March 2, 2010

Mga dahilan

Sa nakaraan kong post nabanggit ko ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit single pa ang mga tao ngayon.

At ngayon nais kong ipaliwanag ang mga nasabi kong dahilan.


Ilan sa mga dahilan kung bakit sila single:

1. Hindi ka biniyayaan ng mukhang White Lady! ( Dark Lady lang)

Ang iba sa atin kaya hindi magkaroon ng lovelife dahil sa panlabas na anyo. Ang mundong ginagalawan natin ay mapang husga. Kung ano makita nila sa panlabas na anyo yun din ang inaakala nila na pagkatao ng isang tao.
May ilan na biniyayaan ng magandang mukha ngunit may ilan naman na sawing palad. Kaya hayun wala tuloy love life.

Note: Hindi naman lahat ng hindi maganda ang mukha ay walang love life,may ilan pa rin na meron ,yun nga lang iba na talaga kung maganda ka.


2. Bantay sarado ang magulang mo, bonus pa dyan kapag may mga siga kang kapatid.

Istrikto ang magulang pagdating sa pag bbf/pag ggf ng anak. Akala nila kapag nag bf/gf na ang anak ay mag aasawa na kaya todo bantay sila lalo na kung may kuya ka.

Note: Hindi masama na maghigpit sa mga anak pagdating sa pag ibig pero sana maging maintindihin din ang mga magulang. Huwag naman masyadong amging istrikto.


3. Pa busy kuno, walang time sa love at inaasikaso ang pag aaral. Kailangan manguna sa klase.

Linya ng mga nag bibisibisihan. Serious type ba. Sila yung mga taong ang oras lang ay nakalaan sa pag aaral at trabaho.


4. Sobra suplado/ suplada kaya ayan ang napala walang makatagal.

Mga taong matingnan pa lang galit na. Parang mga kontrabida kung makairap kaya hayan tuloy walang makalapit na manliligaw.


5. Super chusi!!!

Mga taong naghahanap yata ng perpektong tao. May manliligaw na gwapo,maputi,mabait pero ayaw pa din kasi daw pandak. Meron namang mayaman, matalino, mabait pero ayaw pa din kasi boring kasama. Ano ba talaga sister? Sa kakapili wala tuloy makita.


6. Sobra takot na magmahal.

Dahil sa nakaraang karanasan masyado ng natakot, na trauma. Ayaw na ulit masaktan kaya ayaw na rin magmahal. Akala yata lahat ng dadaang pag ibig sa kanya ay puro sakit na lang.


7. Hinihintay pa si Mr./Ms. Right.

Naniniwala tayo sa destiny/ soulmate kaya tayo naman talagang naghihintay sa pagdating nito. Sino ba talaga yung tamang babae/lalake? Bakit ba may ganon pa? Kaya ang iba sobrang naniniwala dahilan upang makaiwanan na ng panahon.



Ang masasabi ko lang kailangan lang natin ng tiwala sa sarili natin. Tiwala na may taong magmamahal sa atin. Na kahit ano o sino ka pa mamahalin ka nya ng buong buo at totoo.

No comments:

Post a Comment