Sunday, August 14, 2011

Kanino umiikot mundo mo?


Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao,hindi na natin napapansin na sa kanya na umiikot ang mundo natin.


Magigising na lang tayo isang araw na wala ng natitira para sayo.


Kaya ngayon pa lang, kumuha ka na ng salamin.


At tanungin mo sarili mo kung kanino ba umiikot ang mundo mo?

Hindi masamang magmahal, lalo naman kung karapat dapat talaga na mahalin ang taong yun. Pero dapat malaman mo na bandang huli, sarili mo lang kasama mo. Kaya kung sa iba umiikot ang buhay mo. Ngayon pa lang sasabihin ko na sayo, patay ka na kapag nawala sya sayo.


Gumawa ka ng isang bagay na maipagmamalaki mo sa sarili mo at sa ibang tao. Na ikaw lang mag isa ang gumawa. At kahit "sya" pa ang mawala sayo, nananatili pa rin itong matatag at nakatayo.....



" Learn how to balance love with other people and respect to yourself."

Saturday, November 13, 2010

Silence




Minsan mas pinipili kong tumahimik na lang. Kalimutan ang hinanakit na nararamdaman ko para sayo. Bakit? Dahil mahal na mahal kita at ayokong mawala ka.





Pero mas masakit pala kapag naipon itong lahat at baka isang araw yung kinatatakutan ko at iniiwasan kong mangyari ay biglang mangyari na lang...

Wednesday, August 11, 2010

Sana Nandito ka...






Ang sarap isipin na nandito ka sa tabi ko....

Minsan sa buhay natin hindi natin maiwasan na pangarapin na sana katabi natin yung taong mahal natin. Yung tipong sana pagkatapos ng pag aaral/trabaho ko nandun sya at naghihintay. Hinihintay ang pag-uwi ko at sabay kaming maglalakad papunta sa sakayan, tabi kami sa jeep,tricycle o bus. Kapag naramdaman kong pagod ako o may masakit sa akin hihilig ako sa balikat nya at makakatulog.



Kahit anong pagod mo mawawala makita lang ang ngiti nya. Napuyat ka man sa pag rereview energetic ka pa din. Laging kang malakas at nakangiti. Ang sarap talaga isipin pero......




mas masakit isipin na wala ka pala sa tabi ko....

Thursday, April 15, 2010

I'm Always In Love with the Same Man!!!!



Oo in love ako! bakit? may problema?
In love ako sa iisang tao.
And I'm always in love naman sa kanya e.


Hindi nyo lang pansin kasi madalas ume emo ako. Kasi super namimiss ko sya. Yung ang dahilan nun.


Almost 1 year kami nagkaroon ng M.U ( Mutual Understanding) effect ba!
Sa almost 1 year na yun dun umeksena yung panliligaw o yung pagkilala namin sa isa't isa. Parang kami na parang hindi, alam mo yun?

Masasabi ko na naging mahirap yun kasi ang dami din nangyari. Kabilang kasi kami sa LD Relationship ( Long Distance Relationship). Pero masaya naman kasi always in love ang pakiramdam diba? ang saya saya mo!

At dahil sa nalagpasan na namin yung part na yun mas masaya kasi totally kami na. At nangyari nga yun last year. Kaya masasabi kong boyfriend ko na sya talaga.

Sa dami ng napagdaanan namin masasabi kong naging palagi pa rin akong in love sa kanya. Hindi pumasok sa isip ko na palitan sya at maghanap ng iba. May mga problema na feeling mo gusto mo ng sumuko pero dahil sa pagmamahal mo sa kanya at pagpaparamdam nya na mahal ka nya talaga lumalakas ka. Nagiging bongga yung pagmamahal mo.


Para sa akin ang maiiwan ko lang paalala sa inyo. Masarap magmahal!! At hindi ka magiging ganyan ka saya kung hindi ka rin niya minamahal. Meaning give and take lang, walang relasyong nagtatagal kung hindi nyo kayang pahalagahan ang bawat isa. Kailangan palagi nyong alam kung may nagaganap na bang problema sa relasyon nyo para maayos nyo kaagad.


Hindi man nababasa ito ng aking labidabidabidabidabidabi ( nabulol ka noh?) hehehe.
Gusto kong sabihin na IN LOVE NA NAMAN AKO SAYO!! I MISS YOU!!!



Friday, April 2, 2010

Ano pa ang kulang?



" Lahat ginawa ko para maging masaya ka. Lahat ng inaakala kong makapagpapasaya sayo ginawa ko. Pero bakit balewala lang? Ano pa ang kulang?"



Lahat tayo naranasan na mabigo sa pag-ibig. Naranasan nyo din ba na lahat na ng bagay ginawa mo para sa kanya pero wala pala itong epekto sa kanya. At sa lahat ng ginawa mo natanong mo na lang sa sarili mo na "Ano pa ba ang kulang?"

Hindi natin maikakaila na minsan dahil sa pag-ibig nakakalimutan na natin sarili natin. Dahil sa pagmamahal mo sa kanya halos yung konting oras na lang para ipamahinga mo binibigay mo pa sa kanya. Bakit mo ginagawa yun? Kasi masaya ka..Masaya ka na akala mo masaya din sya sa ginagawa mo.

Sobrang sakit malaman at isipin na sa kabila ng lahat ng ginawa at binigay mo wala pa lang nangyari. Ikaw pa yung nagmukang tanga sa ginagawa mo. Hindi pa pala sapat lahat ng yun.

"Sobrang expectation, kawalan ng appreciation at hindi pagiging kuntento."

Yan ang mga bagay na nagiging problema sa isang relasyon.

Minsan dahil sa sobrang expectation nya sayo nawawalan na ng halaga yung mga maliliit na bagay na nagagawa mo. Hindi nya magawang i appreciate yun. Dahilan para hindi sya makuntento sa mga bagay bagay. Naghahanap pa sya ng bagay na mas higit pa.

"Sa lahat ng nagmamahal, minamahal at may minamahal magpasalamat kayo sa lahat ng ginagawa nya para sayo kasi gusto ka nya maging masaya. Oo maliit na bagay lang ginagawa nya pero nagbibigay sya ng effort."

Monday, March 29, 2010

Maagang Responsibilidad


Ang sarap maging bata kasi wala kang iniintinding problema. Paglalaro maghapon ang ginagawa mo at kapag dumating na ang oras ng kainan tatawagin ka na lang ng iyong magulang para kumain.

Ngunit lahat tayo ay lumilipas sa pagiging bata, darating at darating ang araw na magkakaroon tayo ng responsibilidad. Habang tumatagal nadadagdagan ang mga bagay na dapat natin intindihin.

Ngunit nakakalungkot na may ilang kabataan na maagang nagkakaroon ng responsibilidad na hindi pa sana nila dapat maranasan.

Kahapon nung ilipat ko ang channel sa wowowee napanood ko ang wheel of fortune kung saan ang mga bida ay ang mga babaeng maagang nagkaroon ng responsibilidad (maagang nagkaanak).

Karamihan sa kanila sa gulang na 15 anyos ay nabuntis na. Sa panahong yun dapat sana ay nag aaral pa sila at ineenjoy ang pagiging teenager. Ngunit nilapitan sila kaagad ng "curiousity". Sa ganoong edad nagkakaisip ang isang dalaga/ binata tungkol sa pagiging isang tunay na babae/lalake. Hindi nila napigil ang sarili nila kaya nangyari yun. At dahil na naman kay sobrang pag-ibig nagagawa nila iyon. At minsan ang pangyayaring yun ay nagkakaroon na ng bunga.

Maraming nababago sa buhay natin kapag nagkaroon na tayo ng responsibilidad. May mga bagay tayo na dapat na isaalang alang. Hindi madali ang buhay ng may-asawa/anak. Kaya dapat bago ka gumawa ng isang desisyon isipin mo muna ng makailang ulit dahil may mga bagay na kapag nagawa mo na hindi na pwedeng ibalik pa sa dati. At kung nandoon ka na sa pangyayaring may responsibilidad ka na,aba dapat mo na itong harapin. Dahil walang ibang gamot sa pagiging duwag kundi ang kumbinsihin mo ang iyong sarili upang humarap sa katotohanan.

Sino nga ba naman ako para magsalita? Hindi natin alam kung ano ang tunay na kwento sa buhay ng mga taong dumaranas sa ganoong sitwasyon ngunit isa rin akong babae na nagmamalasakit sa lahat ng tao at
gustong ipaalala na ang buhay ay puno ng tukso/saya/lungkot at sakit. At tulad ng nasabi ko na noon lahat ng bagay may tamang panahon at oras. Hindi mo kailangan madaliin ang lahat. I enjoy mo ang iyong edad na tinatamasa ngayon.

Yun lang po at Salamat!!

( Iboto nyo po ako sa darating na eleksyon!)

hehehe etchos! feeling ko hindi ako mangiti sa sinabi ko, masyadong seryoso!. At ganoon ang buhay! hindi lahat dapat paglaruan. Minsan kinakailangan mo mag seryoso. ^_^

Friday, March 26, 2010

Ang tanong ng Bata..


Dalaga: Tingnan mo eto yung picture ng boyfriend ko. Pero diba nakita mo na sya noong birthday ni mama?
Bata: Mahal ka nya?
Dalaga: Oo
Bata: Mahal na mahal?
Dalaga: Oo naman ( kunot noo)
Bata: E nasan sya? Bakit ka nya iniwan?
Dalaga: (nagulat) E kasi nag wowork sya.
Bata: Bakit?
Dalaga: Para makaipon sya ng pera.

Yan ang isang nakakagulat at hindi kapanipaniwalang tanong ng isang bata na 5 y/o.
Kung maririnig mo sa una maiisip mo na luko luko talaga to kung ano ano tinatanong pero kung iisipin mo talaga may kabuluhan, may meaning.

Para sa isang 5 y/0 na bata nakakapagtakang magtatanong sya ng ganoong bagay. Bagay na hindi natin magawang itanong sa sarili natin. Dahil natatakot tayo na masagot ito sa kasagutang ayaw natin malaman.

Para sa isang bata ang kahulugan ng pag-ibig ay parang paglalaro nya sa kanyang paboritong manika. Na kapag nasira iiyak na lamang at magpapabili ng bagong mas maganda. Hindi nya alam kung ano ang mga bagay na isinasakripisyo pagdating sa pag-ibig. Hindi bulag ang isang bata para hindi makita ang sirang kanyang nagawa sa kanyang laruan.


Sa katanungan ng bata ipinapabatid na sa pag-ibig lahat ay may katanungan na masasagot kung gugustuhin mo ngunit sa katanungan lahat ay kailangan gamitan ng pang unawa. Dahil hindi lahat ng kasagutan ay tama at dapat paniwalaan.