Friday, March 26, 2010

Ang tanong ng Bata..


Dalaga: Tingnan mo eto yung picture ng boyfriend ko. Pero diba nakita mo na sya noong birthday ni mama?
Bata: Mahal ka nya?
Dalaga: Oo
Bata: Mahal na mahal?
Dalaga: Oo naman ( kunot noo)
Bata: E nasan sya? Bakit ka nya iniwan?
Dalaga: (nagulat) E kasi nag wowork sya.
Bata: Bakit?
Dalaga: Para makaipon sya ng pera.

Yan ang isang nakakagulat at hindi kapanipaniwalang tanong ng isang bata na 5 y/o.
Kung maririnig mo sa una maiisip mo na luko luko talaga to kung ano ano tinatanong pero kung iisipin mo talaga may kabuluhan, may meaning.

Para sa isang 5 y/0 na bata nakakapagtakang magtatanong sya ng ganoong bagay. Bagay na hindi natin magawang itanong sa sarili natin. Dahil natatakot tayo na masagot ito sa kasagutang ayaw natin malaman.

Para sa isang bata ang kahulugan ng pag-ibig ay parang paglalaro nya sa kanyang paboritong manika. Na kapag nasira iiyak na lamang at magpapabili ng bagong mas maganda. Hindi nya alam kung ano ang mga bagay na isinasakripisyo pagdating sa pag-ibig. Hindi bulag ang isang bata para hindi makita ang sirang kanyang nagawa sa kanyang laruan.


Sa katanungan ng bata ipinapabatid na sa pag-ibig lahat ay may katanungan na masasagot kung gugustuhin mo ngunit sa katanungan lahat ay kailangan gamitan ng pang unawa. Dahil hindi lahat ng kasagutan ay tama at dapat paniwalaan.

6 comments:

  1. parang pamangkin ko lang ulet. tinanong ako isang beses, 5 years old din. pag 20 na raw sya, mag-aasawa din daw ba sya tulad ng ke mama at papa nya. kamusta naman, san nya kaya nalamang ang salitang "asawa".

    ReplyDelete
  2. bata pa lang alam na yung word na "asawa" noh..ibang iba mga bata..hehehe

    ReplyDelete
  3. lam mo feeling ko ang talinong bata nyan, ang lawak ng isip haha, at ang mssbi ko sa post mong ito.. 'ang deep mo te, npapaisip ako sa huling snbi mo. super nice!

    ReplyDelete
  4. oo nga e, nakakagulat na maisip pa nya yun.hehehe.

    Salamat din, napaisip nga din ako sa sinabi ko.hehehe

    ReplyDelete
  5. npacomment mo q d2 ah. nice nice

    ReplyDelete