Aking inihahandog ang paksang ito sa mga taong hindi pa maka move on sa buhay at pag-ibig.Bato bato sa langit ang tamaa'y magising.Ang sarap magmahal at umibig pero ang pinaka mahirap sa lahat ay ang mag move on lalo na kung sobrang mahal na mahal mo yung tao. Lalo na kung marami na kayong napag daanan. At maraming alaala na ang na save sa iyong pag iisip.
Madaling sabihin ang salitang "
mag move on na ako". Pero napaka hirap nitong gawin. Maglalabas ka muna ng sang katerbang luha, magiging emo ka muna ng maraming araw,linggo,buwan at kung minsan taon pa nga. Ganyan kahirap mag move on. Sana may gamot para makapag move on at kung meron man tyak marami ang bibili.
Bakit nga ba walang gamot para maka move on?
Dahil kung may gamot para dito lahat ng tao magtatangkang magmahal na walang iintindihing masasaktan dahil may gamot nga naman diba? At hindi rin tayo matututo sa anumang nagawa nating pagkakamali kung ito'y madali lang lunasan.
Ang pag move on ay isang bagong simula. Kung saan nalaman mo ang kamalian mo, kung ano ang hindi para sayo .
Kanina habang nag pepeysbuk ako sa aking orig. na peysbuk (may ganon pa talaga). May nakita akong quotes sa friend ng friend ko. In short itinag sya. Yun na yun.At heto nga yun.

Tama naman diba?Swaktong swakto. Pano ka makaka move on kung ganyan ang ginagawa mo. Lalo mo lang sinasaktan sarili mo.
Naaalala ko yung kaibigan ko. Kapag nasawi sya sa pag-ibig lagi nya ako itetext kahit gabi na magtetext yan. At tatanungin ako kung ano gagawin nya para maka move on.
Bilang kaibigan sinabi ko sa kanya ang mga paraan pero bingi e. Bingi sya kasi sarili lang nya pinapakinggan nya. Lahat ng hindi maka move on ganyan, aminin nyo!!!
Kahit anong sabihin ng kaibigan o magulang nyo,sarili at sarili nyong nararamdaman ang pinapakinggan nyo.
Kayo ang nasaktan, kayo ang gustong mag move on pwes kayo din ang umayos ng problema nyo.
Tandaan sarili nyo lang makakatulong para makapag move on. Kung gusto mo talaga makakaya mo. Kaming mga kaibigan/pamilya mo lang ang aalalay sayo. Kami lang yung 24 oras na magbabantay sayo pero ikaw sa sarili mo ang gagawa ng paraan para mahanap mo ang katahimikan ng iyong kalooban.
Lahat masasaktan, lahat pagdadaanan ang term na move on at sa lahat ng taong dadaan at dumadaan na sa ganong sitwasyon wag ka mag alala makakaya mo yan. ^_^