Sunday, March 14, 2010

Move on




Aking inihahandog ang paksang ito sa mga taong hindi pa maka move on sa buhay at pag-ibig.

Bato bato sa langit ang tamaa'y magising.




Ang sarap magmahal at umibig pero ang pinaka mahirap sa lahat ay ang mag move on lalo na kung sobrang mahal na mahal mo yung tao. Lalo na kung marami na kayong napag daanan. At maraming alaala na ang na save sa iyong pag iisip.


Madaling sabihin ang salitang "mag move on na ako". Pero napaka hirap nitong gawin. Maglalabas ka muna ng sang katerbang luha, magiging emo ka muna ng maraming araw,linggo,buwan at kung minsan taon pa nga. Ganyan kahirap mag move on. Sana may gamot para makapag move on at kung meron man tyak marami ang bibili.

Bakit nga ba walang gamot para maka move on?

Dahil kung may gamot para dito lahat ng tao magtatangkang magmahal na walang iintindihing masasaktan dahil may gamot nga naman diba? At hindi rin tayo matututo sa anumang nagawa nating pagkakamali kung ito'y madali lang lunasan.

Ang pag move on ay isang bagong simula. Kung saan nalaman mo ang kamalian mo, kung ano ang hindi para sayo .


Kanina habang nag pepeysbuk ako sa aking orig. na peysbuk (may ganon pa talaga). May nakita akong quotes sa friend ng friend ko. In short itinag sya. Yun na yun.At heto nga yun.

Tama naman diba?Swaktong swakto. Pano ka makaka move on kung ganyan ang ginagawa mo. Lalo mo lang sinasaktan sarili mo.

Naaalala ko yung kaibigan ko. Kapag nasawi sya sa pag-ibig lagi nya ako itetext kahit gabi na magtetext yan. At tatanungin ako kung ano gagawin nya para maka move on.

Bilang kaibigan sinabi ko sa kanya ang mga paraan pero bingi e. Bingi sya kasi sarili lang nya pinapakinggan nya. Lahat ng hindi maka move on ganyan, aminin nyo!!!

Kahit anong sabihin ng kaibigan o magulang nyo,sarili at sarili nyong nararamdaman ang pinapakinggan nyo.

Kayo ang nasaktan, kayo ang gustong mag move on pwes kayo din ang umayos ng problema nyo.

Tandaan sarili nyo lang makakatulong para makapag move on. Kung gusto mo talaga makakaya mo. Kaming mga kaibigan/pamilya mo lang ang aalalay sayo. Kami lang yung 24 oras na magbabantay sayo pero ikaw sa sarili mo ang gagawa ng paraan para mahanap mo ang katahimikan ng iyong kalooban.


Lahat masasaktan, lahat pagdadaanan ang term na move on at sa lahat ng taong dadaan at dumadaan na sa ganong sitwasyon wag ka mag alala makakaya mo yan. ^_^

10 comments:

  1. wahahahaha. nakamove on na ako. knina lng.. tinanggap ko na sa sarili ko na wala na xa at hanggang dito na lang kmi. hehe

    ReplyDelete
  2. ay hala ka, sinabi rin sakin ng friend ko ung nasa message. putulin ko raw lahat ng connections, idelete daw sa fb. haha. ayun deleted, pero may ibang connections na di pedeng putulin. anu kaya un!

    sabi nung friend ko, "move on but don't move away.." sabi naman nung isa, "move on and move away..".

    ok, kanino kaya ko makikinig. wahaha!

    ReplyDelete
  3. base ako dito!

    sobrang hiraaap! mas mahirap kung one sided love :)

    points to ponder : Kayo ang nasaktan, kayo ang gustong mag move on pwes kayo din ang umayos ng problema nyo.

    ReplyDelete
  4. tama! putulin lahat ng connections! nakatulong to sakin dati! as in wala. burado lahat. babalik balikan mo padin paminsan misan pero no choice dahil burado na nga. maski celphone na kabisado mo naman ung digits. and then after how many months nakamove na din sa wakas. cool ng posts mo hah praktikal lahat. bibisita nga ko dito palagi haha

    ReplyDelete
  5. hahahaha awtsss. sapul ako dto ah. grbe. hirap kse tlga mgmove on, and tama ka, khit anong payo tlga ang gawin sayo, pero kung nrrmdaman mo p din ang susundin mo, wala ding mangyayari. tsk. panahon na para putulin. leche. haha

    ReplyDelete
  6. Kainis ka mare h Kala q b lab mko?! Eh by pinataTamaan mko! Bwahhh
    hindi jowk..Gaya ng post q s wp... I can smyl,laugh etc n aq hihii. Kya 2moro I will live en move on nyahhhh,,

    nkta q rin yang post n yan s fb e..Which is true pro Kung iicpin u hindi u rin tlga maiiwsan gwin ang mga iyun kc ang love ay prang drug adik, hnd u mkontrol ang srili u En besides nkkatulong ang paglabas ng iyung emotion pra mkaya mo ang skit n pinagdadaan mo..


    Any mga pla ung GM? Heheh

    ReplyDelete
  7. Yeah korak..
    nga pala ibig sabihin ng GM ay group message..^_^

    ReplyDelete
  8. Guilty ako sa "laging tinitignan ang profile". Sorry naman ah?

    ReplyDelete
  9. @ Kaitee

    Minsan talaga hindi maiwasan yun, lalo na kapag super miss mo sya. Kumbaga yun na lang yung way para may mabalitaan ka sa kanya ang tingnan ang profile nya. buti na lang sa fb walang "hu's view me"..hehehe diba?

    ReplyDelete
  10. WAHAHAHA MOVING ISNT EASY PERO I SWEAR YOUR POST HELPS ME TO MOVE ON :) AHAHAH

    ReplyDelete