Wednesday, March 24, 2010

I Miss you....


Haays..oo super mega duper I miss you!!
Tenen..ano to! drama ko ata..


Naramdaman nyo na ba na mamiss ang isang tao? Na yung taong yun super special sa buhay nyo. Ano pakiramdam?

May nakita akong quotes habang nag iinternet. Pero ang totoo naghanap talaga ako. ^_^

Heto yun..

"Why is it that when you miss someone so much your heart is ready to disintegrate, you hear the saddest song on the radio?" -Pete

Oo nga naman bakit nga ba? Nung mabasa ko ito napatanong din ako. Kasi naranasan ko ito at nararanasan pa rin hanggang ngayon. Kapag namimiss ko boyfriend ko pakiramdam ko sasabog puso ko. Pwede ka pala makaramdam nun. At saktong kapag nararamdaman mo yun bigla kang makakarinig ng nakakalungkot na kanta. Parang sinasadya noh. Pero ang totoo kaw pala yung nagpapatugtog mismo ng kantang naririnig mo.

Wala akong maisip na solusyon kung paano malalagpasan ang pagkamiss. Bakit nga ba lalapagsan mo yun e parte na ito ng buhay natin.

Sabi nga nila kapag namimiss mo yung isang tao mahalaga sya sa buhay mo. Maaring napapasaya ka nya kaya nakakaramdam ka ng ganon. At natural lang na maiyak ka.

Ang pag-iyak ay hindi lang dahil sa nasaktan ka o inapi. Bagkus paraan din ito para mailabas mo kung ano man ang nararamdaman mo.

Kapag namimiss mo sya mas lalo pang nadadagdagan yung pagmamahal mo sa kanya. Yung ang katotohanan.

At ngayon habang binabasa mo ito alam kong may naiisip ka.. Malalagpasan mo din yan, ganyan talaga ang buhay. Halo halong emosyon mararamdaman mo.^_^

6 comments:

  1. ayoko ng feeling na ganun minsan, lalo pag di mo masabi sa namimiss mo na miss mo sya.

    kasi di naman magrereact..

    ReplyDelete
  2. aww. true. may iniisip ako nung hbng bnbsa ko yan. miss ko na nga ata sila. tsk.

    ReplyDelete
  3. Una sa lhat..musta naman ang finals? okey ba? at punta na tayo sa post mo..hmmm isang feeling yan na napakahirap i overcome alam mo yun? ung bang kahit tumalon ka sa tulay at sinuwerte ka mabuhay e mararamdaman mo pa rin un lalo na kung super duper love mo ung na mimiss mo..Ang tanong gano ba kalayo ang espasyo pra sa inyo dalawa? baka nman isang dipa lang yan at pwede mo ng abutin ang mga kamay nya..so wag mo ng pahirapan ang puso mo go girl..meet him now..hahaha...miss u girl!

    ReplyDelete
  4. @ choknat

    oo nga, ang hirap talaga ng ganoon.feeling mo sasabog puso mo kapag hindi mo sinabi.

    @ keso

    "sila" dami ah..hehehe

    @ jam

    ayos naman ang finals, nakaraos na din.hehehe.
    sana nga isang dipa lang layo kaso milya milya..hays..ang hirap..

    ReplyDelete
  5. hmmm yang miss miss n yan!!? ahahaha. mahrap nga yan. pero kung iisipin natin na hindi namn talga sya nawala o lagi syang andidito sa puso at isip natin edi madali lng ang lahat

    (haha! kala mo napakagaling ko eh noh??)

    ReplyDelete
  6. sana nga ganon kadali kaso ang hirap. ^_^

    ReplyDelete