
Ang sarap maging bata kasi wala kang iniintinding problema. Paglalaro maghapon ang ginagawa mo at kapag dumating na ang oras ng kainan tatawagin ka na lang ng iyong magulang para kumain.
Ngunit lahat tayo ay lumilipas sa pagiging bata, darating at darating ang araw na magkakaroon tayo ng responsibilidad. Habang tumatagal nadadagdagan ang mga bagay na dapat natin intindihin.
Ngunit nakakalungkot na may ilang kabataan na maagang nagkakaroon ng responsibilidad na hindi pa sana nila dapat maranasan.
Kahapon nung ilipat ko ang channel sa wowowee napanood ko ang wheel of fortune kung saan ang mga bida ay ang mga babaeng maagang nagkaroon ng responsibilidad (maagang nagkaanak).
Karamihan sa kanila sa gulang na 15 anyos ay nabuntis na. Sa panahong yun dapat sana ay nag aaral pa sila at ineenjoy ang pagiging teenager. Ngunit nilapitan sila kaagad ng "curiousity". Sa ganoong edad nagkakaisip ang isang dalaga/ binata tungkol sa pagiging isang tunay na babae/lalake. Hindi nila napigil ang sarili nila kaya nangyari yun. At dahil na naman kay sobrang pag-ibig nagagawa nila iyon. At minsan ang pangyayaring yun ay nagkakaroon na ng bunga.
Maraming nababago sa buhay natin kapag nagkaroon na tayo ng responsibilidad. May mga bagay tayo na dapat na isaalang alang. Hindi madali ang buhay ng may-asawa/anak. Kaya dapat bago ka gumawa ng isang desisyon isipin mo muna ng makailang ulit dahil may mga bagay na kapag nagawa mo na hindi na pwedeng ibalik pa sa dati. At kung nandoon ka na sa pangyayaring may responsibilidad ka na,aba dapat mo na itong harapin. Dahil walang ibang gamot sa pagiging duwag kundi ang kumbinsihin mo ang iyong sarili upang humarap sa katotohanan.
Sino nga ba naman ako para magsalita? Hindi natin alam kung ano ang tunay na kwento sa buhay ng mga taong dumaranas sa ganoong sitwasyon ngunit isa rin akong babae na nagmamalasakit sa lahat ng tao at
gustong ipaalala na ang buhay ay puno ng tukso/saya/lungkot at sakit. At tulad ng nasabi ko na noon lahat ng bagay may tamang panahon at oras. Hindi mo kailangan madaliin ang lahat. I enjoy mo ang iyong edad na tinatamasa ngayon.
Yun lang po at Salamat!!
( Iboto nyo po ako sa darating na eleksyon!)
hehehe etchos! feeling ko hindi ako mangiti sa sinabi ko, masyadong seryoso!. At ganoon ang buhay! hindi lahat dapat paglaruan. Minsan kinakailangan mo mag seryoso. ^_^