Wednesday, March 3, 2010

Happy Monthsary!!



" Nagpapasalamat ako na isang panibagong buwan na naman ang nalagpasan natin sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan natin."



Mga kumare at kumpare akin tong kwento.
Oo may boyfriend ako, hindi kayo naniniwala? E heto nga't monthsary namin ngayon. ^_^ Inggit kayo?hahaha.. Break na kami kapag nalaman nyang kami pala.hahaha ( etchos).

Pero sa maniwala kayo o sa hindi totoong monthsary namin. Hindi ko lolo at lola yang nasa picture, kami yan.


Gumawa ako ng presentation sa powerpoint at yun ang ini e mail ko sa kanya para naman ma surprise sya. Yang picture na yan gawa ko, pambata ba? oi pinaghirapan ko yan noh.


Sa totoo lang hindi sya nag cecelebrate ng monthsary. Sabi nya sa akin mas gusto nya i celebrate ang anniversary. Mas mahalaga yun para sa kanya pero mapilit ako pinag cecelebrate ko pa rin yun.

Bakit?

Dahil para sa akin yung malagpasan nyo pa lang ang isang buwan isang napakasaya nang pangyayari. Lalo pa at malayo kami ngayon sa isa't isa. Nasa Saudi sya ngayon at doon nagtatrabaho.


Kabilang ako sa long distance relationship, mahirap din at sinasanay ko na sarili ko. Actually dapat nga sanay na ako kasi almost 1 year na kaming ganito. Mahaba ang kwento ng aming pag -iibigan (naks) at parang pang fairytale. Pero hindi ko na ikkwento pwera na lang kung mapilit kayo (etchos).


Ang pinagpapasalamat ko na lang na kahit malayo kami sa isa't isa nandoon pa rin yung tiwala sa isa't isa saka yung love kaya hanggang ngayon heto pa rin kami at sana magtagal pa. Dahil sa totoo lang mahal na mahal ko sya. At kahit ano pa sabihin ng mga tao wapakels. Hindi naman sila yung sasaya sa pagpili ko kung sino ang mamahalin ko kundi ako. At ako, masaya sa kanya. masayang masaya!! ^_^

4 comments:

  1. go go go. yan ang pag ibig. ahehe. suportahahn k nmin

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat! ^_^ maiyak naman ako nyan..hehehe..salamat talaga..

    ReplyDelete
  3. Wow what a great statement. Long distance relationship is truly a hard one. Trust is always the key factor in keeping the relationship. Love is something that we can freely have but trust is one thing that we must really work hard for. Kudos to you both and i pray that your relationship will soon be made permanent...do I hear wedding bells? :)

    ReplyDelete
  4. Thanks..^_^
    Oo nga yung trust din talaga ang dapat alagaan.
    At masaya ako kasi ayos na ayos kami dun.
    Oo naman makakarinig ka ng wedding bells, kaya lang hindi pa ngayon may mga dapat pa munang tapusin.
    salamat sa pagdalaw.

    ReplyDelete