Friday, March 12, 2010

Contented




Mahilig ako sa quotes lalo na kapag tungkol sa love. Noong hindi pa ako nagkaka boyfriend ang naka save sa inbox ko ay puro quotes. Pero nung magka boyfriend na ako ang naging laman ng inbox ko ay puro text nya. Ganon pala yun, mahahalata mo kung single ang isang tao o taken na.hahaha.

At nung isang araw pinasahan ako ng quotes ng friend ko. Nagandahan ako sa quotes na yun. Heto yun....


" We don't need to explain how much we love a person. It depends on them how they appreciate the efforts that you did for them to be contented."



Napa agree talaga ako ng matindi.


Natanong nyo na ba minsan sa sarili nyo kung bakit hindi maging masaya sayo yung taong mahal mo. Ibinigay mo naman ang lahat pero wala pa rin e. Halos makalimutan mo na nga ang sarili mo para lang maibigay yung inaakala mong makakapagpasaya sa kanya. Imbes na ibigay mo ng ibigay ang lahat tanungin mo sya kung ano ang gusto nya. At tanungin mo rin sa sarili mo kung may kakayahan bang makuntento yung taong yun.

Dahil kung hindi talaga tanggap ng isang tao kung ano lang yung maibibigay mo hindi talaga sya magiging masaya sa binibigay mo. Kahit mag todo effort ka pero iba pala yung hinahanap nya balewala din.


Ang kasagutan lang sa pagiging masaya ang ang pagiging kuntento. Kung makukuntento tayo sa binibigay ng isang tao mararamdaman mo ang kaligayahan. Huwag ka maghangad ng sobrang taas dahil minsan dahil sa sobrang taas hindi mo makuha kaya hindi ka tuloy maging masaya.

Tanggapin natin kung ano lang yung kayang nyang ibigay lalo na kung binigay na nya ang best nya. Tulad ng palagi ko sinasabi hindi tayo perpekto at hindi lahat ng gusto natin ay nasa isang tao lang. Maaaring yung isang katangian ay nasa isa at yung isa naman ay nandun sa isa pang tao. Hindi mo yun mapagsasama sama. Kaya nga diba kapag nagmahal ka hindi mo kailangan mahalin yung gusto mo lang mahalin na katangian nya dahil buo syang tao kaya dapat mahalin mo kung ano ang kapurihan at kapintasan nya.



"Mas masaya kung pareho nyong mahal at tanggap ang naibibigay ng bawat isa."

10 comments:

  1. ang kyut ng dalawang itloooooooooog.. hihi

    mahilig din ako sa love kowts, kaya lang karamihan sa kanila denelete ko na sa inbox ko.. kasi, kasi.. bitter bitteran ako. haha!

    may nasaved pa pala ko! eto:

    "i don't miss the way he was with me..
    i miss the way it felt.

    i don't miss his phone calls..
    i miss someone to talk to for hours.

    i don't miss the sleep i didn't get..
    i miss the reason why i didn't get it.

    i don't miss loving him..
    i miss being loved back.

    & lastly,
    i don't love him..

    i love the person he used to be..

    when he was mine."


    ang haba. ahehe

    ReplyDelete
  2. Hahaha oo nga e, ka kyut!
    Buti pa ang itlog sweet!
    Ganda din ng kowts na yan..
    Salamat sa pagdalaw.^_^

    ReplyDelete
  3. "Kaya nga diba kapag nagmahal ka hindi mo kailangan mahalin yung gusto mo lang mahalin na katangian nya dahil buo syang tao kaya dapat mahalin mo kung ano ang kapurihan at kapintasan nya." ---> ahlab dat quote!!! =) ei.. other page moh ren toh ms. dark lady?... so yeah.. nakitah koh ren toh sa blog roll ni kuya drake.. ingatz.. Godbless!

    ReplyDelete
  4. haha.. ganonz palah yon.. based on quote or txt laman nagn cell moh... eh akoh lang laman cell koh ngaun eh... not txt or quote.. haha.... complicated daw situation koh ngaun.. hanglabo sa earth.. haha... feeling koh close tayoh... naaliw lang akoh sa sinabi moh don.. ingatz! =)

    ReplyDelete
  5. Isa ko pang blog ito. ^_^
    Hindi ako masyadong mahilig sa blog now e.
    Hahaha salamat ulit sa pagdalaw.
    Secret lang ba laman ng nasa inbox mo?hehehe
    Share mo na..hahaha kulit e..
    Dalaw ka ulit ah..^_^

    ReplyDelete
  6. ako nman di ako mhilig sa quotes hehe, puro jokes yung nsa inbox ko. prho kmi ni choknat bitter bitteran hehehe

    ReplyDelete
  7. Kala ko puro cheesy quotes ang naka save sayo.hehehe..^_^

    ReplyDelete
  8. points to ponder : Huwag ka maghangad ng sobrang taas dahil minsan dahil sa sobrang taas hindi mo makuha kaya hindi ka tuloy maging masaya.

    naks..

    ReplyDelete
  9. Salamat sa iyong pagdalaw sa aking blog..dalaw ka ulit..^_^

    ReplyDelete
  10. hahahaha. ayy ohnga. idagdag mo p yung mgab cheesy banat. ktulad nito..




    gusto mo ibili kita ng siomai at hopia?

    hindi mo ba tatanungin kung bakit siomai at hopia?

    o bakit?

    kase , i wanna siomai love for you and hopia love me too. hahahaha --bagong bago.

    ReplyDelete